‘Ika nga ng iba, kung kaya mo namang gumawa, bakit bibili ka pa? WAYS SA PAGGAWA NG DIY MASK, ALAMIN
- BULGAR

- Dec 26, 2018
- 2 min read

HINDI mo na ba masolusyunan ang iyong visible at clogged pores, sissy? Don’t worry dahil hindi mo na kailangang magpa-derma! Narito ang ilang do-it-yourself (DIY) mask na sobrang easy gawin para tuluyan nang mawala ang nakai-stress ninyong pores:
1.CINNAMON-ALOE VERA. Kakailanganin mo ng tig-isang kutsara ng cinnamon at honey at ¼ cup ng aloe vera gel. Paghaluin ang mga ito at ipahid sa buong mukha. Masahihin ang mukha sa loob ng isang minuto at banlawan ito. Ayon sa mga eksperto, nakatatanggal ito ng blackheads at bara sa pores.
2.COCONUT PEPPERMINT. Sa mask na ito, ang kailangan mo ay tig-isang cup ng brown at granulated sugar, 3 tablespoon ng cocoa powder, ¼ cup ng almond at coconut oil at 4 na patak ng peppermint essential oil. Unang paghaluin ang mga tuyong sangkap at hiwalay na haluin ang mga basang sangkap. Paghaluin nang mabuti ang dalawang klase ng mixtures. Ipahid at masahihin ang mukha sa loob ng 1-2 minuto.
3.ORANGE-HONEY. Ang honey ay mayroong antibacterial property at antioxidants. Kaya simple lang ‘to, lodi! Maghanda ng ½ cup ng raw honey, 3 tbsp katas ng orange juice at isang kutsara ng sea salt. Haluing mabuti ang lahat ng ito, magdagdag ng honey depende sa consistency na gusto mo. Upang gamitin ito, siguraduhin na malinis at tuyo ang inyong mukha, pagkapahid ng mask, ibabad ito sa loob ng 15 minuto.
4.GREEN TEA. Ayon sa mga eksperto, epektibo itong pantanggal ng sebum na sanhi ng acne at labis na pagbukas ng pores. Kailangan mo ng tig-isang kutsara ng green tea powder at honey at tig-isang kutsarita ng lemon juice at asukal. Haluin ang mga ito at ilagay sa mukha. Masahihin ang mukha sa loob ng 1-2 minuto at ibabad ang mask sa loob ng 15 minuto at banlawan.
5.CHARCOAL POWDER. Kilala ito na nakatatanggal ng toxins at dumi sa mukha. Maghanda ng ¼ cup ng baking soda at aloe vera gel, tig-isang kutsara ng activated charcoal powder at lemon juice. Paghaluin ang lahat ng sangkap at gamitin ang iyong mga daliri para i-apply ang mask. Ibabad ang mask sa iyong mukha sa loob ng 15 minuto.
Oh, ‘di ba, easy lang? Tiyak na hindi ka na magdadalawang-isip na gamitan ng treatment ang iyong pores dahil sa DIY mask na ito. Affordable na, convenient at marami pang choices. Saan ka pa? Have a healthy and glowing skin, mga sissy!
Copy?




Comments