Shoutout sa mga ngayon palang mamimili ng regalo! 5 TIPS PARA SA LAST MINUTE SHOPPING, ALAMIN!
- Jersey Sanchez
- Dec 24, 2018
- 2 min read

ISANG tulog na lang, Pasko na! Kaya mo pa ba? For sure, mayroon tayong mga beshy d’yan na hindi pa nakapagsa-shopping. Kaya naman ito ang para sa inyo, ilang tips para sa last minute Christmas shopping, alamin:
1. MAKE A LIST. Kahit late ka nang mamimili, beshy, dapat mayroon ka pa ring listahan kung sino ang mga bibilhan mo ng regalo. Sa ganitong paraan, tiyak na wala ka nang makalilimutang bilhan.
2. PLAN. Oo, lodi! Huwag na huwag kang aalis nang walang plano.
Dapat alam mo ang magiging flow ng lakad mo mula sa oras ng iyong pag-alis, saan ka unang pupunta at kung anu-ano ang mga dapat mong bilhin ayon sa iyong listahan.
Huwag mo ring kalilimutan na kumain bago ka umalis at magdala ka ng payong at tubig, okie?
3. NO TO ONLINE. Dahil sa nagdaang year-end sale, tiyak na tambak ang mga order na kailangan pang ideliver.
Kaya lodi, hindi namin isina-suggest na bumili ka pa sa online sites o shops dahil puwedeng ma-delay ang iyong in-order.
4. NO TO CLOTHES. Isa pa itong no, no, beshy! Bukod sa mahirap matantiya ang sizes ng iyong reregaluhan, may tsansa rin na kung ano ang unang makuha mo ay ‘yun na rin ang mababayaran mo dahil nagmamadali ka.
5. JUST BRING CASH. Sa pamimili, lodi, mas mabuti kung huwag ka nang magdala ng ATM o credit card nang sa gayun ay makaiwas ka sa tukso.
Mas maganda na cash ang dalhin mo para ma-monitor mo kung talaga bang may pera ka pa o wala na.
Sa ganitong paraan, kapag nalaman mo na paubos na ang inilaan mong budget, ibig sabihin ay uwian na. Ha-ha-ha!
Kaya mga sis at bro, huwag ninyong kalimutan ang ilang tips na ito sa inyong last minute Christmas shopping para less-hassle at makapag-enjoy pa rin kayo.
Ingat sa pamimili, mga beshy!
Copy?





Comments