Parehong matunog sa Best Actress award… KIM VS. ANNE SA MMFF AWARDS NIGHT
- BULGAR

- Dec 24, 2018
- 1 min read

KUNG si Kim Chiu ang early favorite at pine-predict na mananalong Best Actress sa MMFF 2018 Awards Night via her movie One Great Love of Regal Entertainment directed by Eric Quizon, marami ang nagsasabing malakas na kalaban at contender din bilang Best Actress para sa horror movie na Aurora si Anne Curtis.
Kung sa BuyBust ay isang astig na PDEA agent si Anne, ibang klaseng acting naman ang ibinigay niya sa Aurora. Puwede na raw niyang agawin ang titulo ni Kris Aquino bilang Horror Queen.
Suwabe ang mga effects ng Aurora, simpleng manakot pero tagos sa buto ang horror factor.





Comments