Pagdiriwang ng Pamaskong Handog kasama ang SM Supermalls at BDO, panalo!

HELLO, Bulgarians! Mula sa mainit na pagtangkilik ng milyun-milyong Pilipino saanman sa mundo, masayang ipinahahatid ng SM Supermalls at BDO Unibank na naging matagumpay ang Pamaskong Handog sa mga kababayan nating OFW.
Mas pinadali ng SM Supermalls ang transaction at pagkuha ng remittance ng mga naiwang pamilya sa Pilipinas dahil lahat ng SM Malls ay may BDO branch na kayang serbisyuhan anumang oras at araw.
Sa ikapitong taong pagdiriwang ng pamaskong handog para sa ating mga kababayan, nagsaya ang buong Mall of Asia Music Hall dahil sa mga artistang nakisaya tulad nina TNT Boys, Marnigo, Sam Milby, Moira dela Torre, Sexbomb New Gen, Piolo Pascual at marami pang iba!
Siyempre, hindi lang ang mga ngiti sa kanilang mga labi ang maiuuwi nila dahil sa mga artistang nakisaya kundi nauwi rin nila ang prizes na handog sa kanila ng SM Supermalls at BDO! Pero hindi lang ito ang nagbigay ng pamaskong handog sa ating mga kababayan kundi pati na rin ang corporate partners nitong SM Global Pinoy, SM affiliates, The SM Store at SM Appliances. Isama na rin ang ilang major sponsor tulad ng World Remit, Moneygram, Xoom, Jollibee at Max’s Restaurant!
Gusto n'yo rin bang magkaroon ng BDO Kabayan Savings ATM card at passbook o SM Global Pinoy card? May inihandang booth ang BDO sa ilang SM Supermalls tulad sa SM San Lazaro, SM City Bacoor, SM City Olongapo, SM City Dasmariñas, SM City Marilao, SM City Clark, SM City Cebu, SM City Bacolod, SM City Davao at SM City Cagayan de Oro.
♥♥♥
Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments