Kahit ipinagpalit pa sa iba… SUNSHINE, WALANG BALAK IPA-ANNUL ANG KASAL SA MISTER
- Nitz Miralles
- Dec 24, 2018
- 1 min read

ANG Afternoon Prime ng GMA-7 na Inagaw na Bituin ang isa sa mga bagong soaps ng network na unang eere at mapapanood dahil sa January, 2019 na ang airing nito.
Nagte-taping pa lang ang cast, pero para mas makilala ang isa’t isa at maging close, nagkaroon sila ng Christmas party na magkakasama.
Sina Kyline Alcantara at Therese Malvar ang mga bida sa young cast, at sa senior stars, magpapagalingan sa acting sina Sunshine Dizon, Angelika dela Cruz, Angelu de Leon, Marvin Agustin at Jackielou Blanco. May nakita pa kaming kasama sa picture sa taping si Ricky Davao.
Sa isang interview, naikuwento na ni Sunshine ang story ng Inagaw na Bituin based sa nakunan na ni Direk Mark Reyes. Ayon kay Sunshine, maganda ang story ng soap na tungkol sa buhay-showbiz, kaya makaka-relate ang mga taga-showbiz.
“Isa sa mga nagustuhan ko sa role ko sa Inagaw na Bituin, singer-actress ako rito and I’ve got to sing using my real voice. Excited na akong mag-recording at kumanta at original songs pa ang kakantahin namin ni Angelika,” sabi ni Sunshine.
Samantala, loveless pa rin si Sunshine after nilang maghiwalay ng kanyang husband. She is not looking for love at this point.
“Happy na ako with my children at ‘pag nakahanap ako ng new love, baka doon na ako magpa-annul,” sabi ni Sunshine.





Comments