top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Isang linggo bago mag-New Year, may nadale na sa paputok!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 24, 2018
1 min read

ISANG linggo bago ang pagsalubong sa Bagong Taon, limang bata ang nabiktima ng paputok.

Bagama’t, mas mababa ito ng 44% sa kaha­lin­tulad na petsa noong 2017 at mas mababa ng 58% sa 5-year average nang isinasagawang monitoring ng Department of Health, mas mainam sana kung maiwasan nang may mapahamak dahil sa paputok.

Ngayong taon, pinakauna sa listahan ng nabiktima ang 12-anyos na lalaki mula sa Nueva Ecija na naputulan ng daliri matapos maglaro ng ‘5 star’ nitong Disyembre 21.

Sinundan ito ng apat pang bata mula sa iba’t ibang rehiyon.

May nagtamo ng sugat sa mata at meron din sa ibang parte ng katawan.

Kaya mga anak, huwag pasaway at paalala sa ating mga magulang, bantayang maigi ang mga bata.

Taun-taon na lang ang babala sa lahat na delikado ang paputok.

Maraming paraan para salubungin ang Bagong Taon nang hindi malalagay sa panganib ang buhay.

Nananawagan din tayo sa mga ahensiya ng gobyerno na tulad ng dati, mas paigtingin ang pagsuyod sa mga tindahang nagbe­benta ng iligal na paputok.

Mas masayang umabot nang 2019 nang kumpleto ang mga bahagi ng katawan kesa kulang at nagsisisi.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page