top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

CERVEZA ROSAS, WAGI SA 5TH LEG NG 4 YEAR OLD STAKES RACE

Green Lantern
Dec 24, 2018
1 min read

RENDA at LATIGO

NAGWAGI ng walang kahirap-hirap ang Cerveza Rosas sa katatapos na 5th.Leg 4Year Old and Above Stake Race na ginanap sa Metro Manila Club Inc. (MMCI) sa Metro Turf sa Malvar, Batangas kahapon.

Kinuha agad ang unahan ni Cerveza Rosas sa pagbukas ng aparato habang ang mga kalaban na Lakan, Boxmeer pinagtipunan at Song of Songs ang nakasunod.

Karkulado ni Jockey Jonathan B. Hernandez, ang galaw ni Cerveza Rosas habang paunti-unting luma­lapit ang mga kalaban. Naungusan ng Lakan ang kabayo ni Jockey Hernandez pagsapit sa 800 meters at dito na ginalawan ni Uno ang Cerveza Rosas.

Muling kinuha ang bandera kay Lakan na dumating na pangalawa sa laban. Sinubukan ng Pinagtipunan na agawin ang pangalawang puwesto kay Lakan subalit nabigo ito at dumating na apat na puwesto ang Song of Songs.

Tinanggap ni Benhur Abalos Jr., ang P300,000 at trophy sa pagkakapanalo ng Cerveza Rosas at nakuha ang halagang 112,500 para sa pangalawang premyo.

Nag-uwi ng P62,500 ang pumangatlong si Pinag­tipunan at pinagkalooban ng P25,000 ang 4th placer ang Song of Songs.

Tumanggap ng P15,000 si Abalos sa pagkakapa­nalo ng Cerveza Rosas bilang breeder. Ang nasabing pakarera ay handog ng Philippine Racing Commis­sion(PHILRACOM).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page