Alamin mula kay Señor...KAALAMAN TUNGKOL SA KAPANGANAKAN NI HESUKRISTO
- BULGAR

- Dec 24, 2018
- 2 min read
Bigyang-daan natin ngayon ang tungkol sa mga dakilang personalidad na ang kaarawan ay natapat sa 25th of December sa mismong araw kung kailan ginaganap ang selebrasyon sa kapanganakan ni Lord Jesus Christ.
Matatandaang, may ilang pilit na kinukuwestiyon ang petsang December 25 na ayon sa ating paniniwala ay tunay na araw ng kapanganakan ni Jesus. Gayunman, ang ganitong argument ay nagpapatibay din na may Kristong dumating sa lupa dahil ang pinagtatalunan lang naman ay ang time of birth.
Isa-isahin natin ang mga Kristo ng kasaysayan:
1. Krishna ng India, born on December 25th, 322BC. Ang kanyang ina ay virgin na ang pangalan ay Maia. Ang kanyang uncle na noon ay naghahari sa India ay hinanap siya para patayin dahil may propesiya na si Krishna ay papalitan siya bilang hari. Ang kasaysayan ni Krishna ay tulad ng kay HesuKristo.
2. Mithra ng Persia, born on December 2nd, before 1500 BC. Nasaksihan ng mga pastol ng tupa ang kanyang pagsilang na nagbigay sa kanya ng mga regalo bilang pagsama kay Mithra. Siya ay kinilalang “the mediator between God and man.”
3. Horus ng Egypt, born on December 25th. Ang kanyang ina ay si Isis na binalaan ni Thoth at pinayuhan na itago si Horus dahil siya ay papatayin.
4. Buddha ng India, born on December 25th. Ang pangalan ng kanyang ina ay Maya o Mary. Kasabay din ng kanyang pagsilang ay ang maliwanag na bituin na nakikita sa kalangitan, siya ay binisita ng tinatawag na “the wise men”.
5. Beddon, ang kinikilalang “the God of the Orient”, born on 1027BC. Virgin ang kanyang ina at hinahanap siya ng hari upang ipapatay dahil sa paniniwalang aagawin ni Beddon ang kanyang trono. Iniligtas ang batang si Beddon ng mga tagapastol ng tupa.
Nanirahan sa disyerto at nang sumapit ang kanyang 30th na kaarawan, siya ay nangaral sa sanlibutan.
6. Hercules, Son of Zeus, born on December 25th, 500BC. Tagapagmana ng Argos at pinagtangkaang patayin ni Hera nang siya ay sanggol pa lamang.
7. Atis ng Phrygia, born on December 25th, 1200 BC, ang kanyang ina ay virgin na kilala bilang si Nana. Namatay itong nakabitin sa puno at muling nabuhay sa panahon ng Easter na nakatapat sa Vernal Equinoz.
8. Tammuz, born before 260 BC, pinaniniwalaang “only begotten son of the God Ea.” Virgin din ang kanyang ina na may pangalang Ishtar, siya ay itinago ni Aphrodite at ipinagkatiwala kay Persephone.
9. Osiris ng Egypt, before 250 BC. Siya ay naparito sa mundo to fulfill the law na tinatawag na “krst”, siya rin ay kilala na “the anointed one”. Born of the virgin na ang pangalan ay Isis-Meri habang ang kanyang ama ay si “Seb” na ang translation ay “Joseph”. Nakaka-wow, ‘di ba? Ang kinikilalang panginoon ng iba’t ibang tao ay halos ka-birthday ni Jesus. At ang nakapagtataka ay lumitaw ang mga ito sa iba’t ibang panahon ng kasaysayan ng tao, ni God at ng mundo.
At dahil ang mundo ngayon ay masyadong moderno na kung saan nalilimutan na ng iba ang mga aral tungkol sa pananampalataya, hindi nakapagtataka na sa “the age of millenials” ay may isisilang muli na isa pang Kristo. Abangan!




Comments