Partial shutdown ng U.S. gov’t LIBU-LIBONG EMPLEYADO APEKTADO
- Joy Repol Asis
- Dec 23, 2018
- 1 min read
NABIGO ang Kongreso ng Amerika na magkasundo sa isyu ng budget dahilan para ituloy ang partial shutdown ng kanilang gobyerno.
Nag-adjourn ang Senado at Kamara ng bansa dahil sa hindi pagkakasundo sa hinihinging budget ni U.S. President Donald Trump para sa pagtatayo ng border wall sa pagitan ng Amerika at Mexico.
Ngayong taon, pangatlong beses nang nangyari sa bansa ang partial government shutdown.
Libu-libong government employees ang sinasabing apektado ng shutdown simula kahapon ng hatinggabi.
Kabilang sa mga apektadong ahensiya ay ang Department of Agriculture, Commerce, Homeland Security, Housing and Urban Development, Interior, Justice, State, Transportation at Treasury.
Halos 4,000 weather forecasters ang magpapatuloy ng kanilang trabaho ngunit, walang suweldo, gayundin sa airports at transportation service.
Samantala, mananatiling bukas ang mga sikat na National Park sa bansa ngunit, 16,000 empleyado ang pauuwiin.





Comments