top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

PAGTUKLAS SA TRIATHLETES, DREAM NG NSA’S PARA SA TOKYO OLYMPICS

  • Clyde Mariano
  • Dec 23, 2018
  • 2 min read

LAHAT nang namu­muno sa National Sports Associations ay panga­rap na makasabak ang kanilang mga atleta sa 2020 Tokyo Olympics.

Isa na rito si Triathlon Association of the Philip­pines president Tom Car­rasco at target niyang ma­kasabak ang kanyang mga bata sa Tokyo sa pa­nayam sa kanya.

Bago matupad ang kanyang pangarap na ma­kasabak sa quadren­nial meet na tinaguriang “world’s biggest sports spectacle” na pangala­wang beses gagawin sa Japan ay kailangang ma­kapasok ang kanyang mga atleta sa pangungu­na nina back-to-back SEA Games gold medalists Nikko Huelgas at Kim Mangrobang sa top 200.

Bilang positive thin­ker para sa best finish, umaasa ang current pre­sident ng Southeast Asian Triathlon Association pre­sident at dating mi­yembro ng Executive Board ng Switzerland-based International Tria­thlon Union na kakam­panya ang kanyang mga bata.

Wala pang Pinoy na lumahok sa Triathlon sa Olympics at iyan ang target ni Carrasco, ang matupad ang pangarap sa Tokyo.

“My fervent dream is to see a Filipino compete in Triathlon in the Olym­pic. Hopefully, my ath­letes especially Huelgas makes it,” sabi ni Carrasco.

Hinirang ng POC si Huelgas bilang Athletes Commissioner at ang kanyang tungkulin ay pa­ngalagaan ang kapaka­nan nang kapwa atleta.

“The only way to har­ness their skills and en­rich their experience is to pit them against world class rivals,” ani Carrasco na gumanap na Chief of Mission sa Asia Winter Games kung saan sumali ang mga Pinoy kasama ang ice skating.

Palalakasin at palala­wakin din ang programa para makatuklas ng mga batang may potensiyal sa triathlon na papalit sa mga beterano sa sanda­ling lisanin nila ang mundo ng triathlon.

Sinabi niya na mara­ming magagaling sa kana­yunan dahil ang ‘Pinas ay napapaligiran ng dagat at terrain na madaling ensa­yuhan ng triathlon.

Sa paamagitan ng “search for talents” tiyak matutuklasan ang kani­lang natatanging galing sa triathlon.

“Triathlon is very de­manding sports with three events swimming, cycling ang running. You have the strength, stamina, speed and power,” sam­bit ni Carrasco dating long distance runner noong nag-aaral pa siya sa University of the Phi­lippines.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page