Kelot sugatan sa 2 lasing
QUEZON—Isang lalaki ang sugatan nang paluin ng bote at saksakin ng dalawang lasing sa loob ng barangay hall ng Bgy. Cagascas, Tagkawayan sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Alexander Hernandez, samantalang, ang mga suspek ay ang magkamag-anak na Aldrian at Joel Regala, pawang residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang nagkakasiyahan sa idinaraos na Christmas Party sa loob ng naturang barangay hall ay biglang pinalo ng bote ng alak ni Adrian sa ulo si Hernandez at pagkaraan ay sinaksak pa ni Joel ang biktima.
Ginagamot na sa ospital ang biktima, samantalang, kusang sumuko sa mga awtoridad ang mga suspek.





Comments