Palaban talaga kina Vice, Coco, etc… TONI, NEVER SUSUKO KAHIT MALUGI ANG MMFF MOVIE
- BULGAR

- Dec 22, 2018
- 2 min read

BILANG producer, handa naman daw sa mga bashers si Toni Gonzaga sakaling i-bash ang kanyang ipinrodyus at pinagbibidahang pelikulang Mary, Marry Me na isa sa Magic 8 entries sa Metro Manila Film Festival 2018.
“Twenty years na ako sa industriya, sanay na sanay na akong ma-bash. Siguro, masakit din nang konti, but I will always take everything in a constructive way to help me grow.
“I will try to filter what will not benefit me and I will try to absorb kung ano ‘yung makakatulong,” ani Toni.
Ngayong producer na nga rin siya, mas na-realize ng aktres/TV host na mahirap pala talaga ang maging filmmaker.
“Ngayon ko napi-feel ‘yung mga napi-feel ng direktor na pagtatrabahuhan mo nang ilang buwan, tapos ‘pag napanood ng tao, iba-bash lang nila na parang ganu’n-ganu’n lang. Hindi nila alam ‘yung puyat, pagod, hirap, dugo, pawis na pinagdaanan.
“Tapos, ‘pag nag-bash sila about a certain film na parang. . . ‘Alam n’yo ba ‘yung mga pinagpuyatan namin diyan?’ Parang ngayon, napi-feel ko na, ‘Ah, ganu’n pala ‘yun.’ Kaya pala sensitive ‘yung ibang mga direktor kapag very critical sa film nila kasi nandu’n sila, eh, from the very beginning,” saad ni Toni.
Kung sakali (huwag naman daw sana) na hindi naman babalik ang naging puhunan niya sa Mary, Marry Me, hindi raw ito dahilan para mag-quit siya as a producer dahil aniya, “Quitters never win.”
“The winners in life are the ones who never quit. And I’ve experienced that in my journey sa career ko. Kung before pa lang, nag-quit na ako, hindi ko mae-experience ‘yung magagandang bagay na nakalaan para sa akin.
“So, just because you didn’t make it in the first try, it doesn’t mean you won’t make it in the 2nd, 3rd, 4th, kahit hanggang 100th try. For as long as you keep trying,” sey ng may-ari ng bagong tatag na TINCAN Productions.
Bago pumasok sa pagpo-produce ay sinubukan na rin ni Toni ang ibang negosyo. Ang first venture niya ay ang Happy Cup Café na isang malaking tagumpay. Nag-ROI (return of investment) na raw sila rito at ngayon ay may 80 branches na.





Comments