top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Negosyante nilikida ng tandem

Pabs Hernandez III
Dec 22, 2018
1 min read

GENERAL SANTOS CITY—Isang negosyante ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. Lagao sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktima na si Mapulo Kamid, residente ng Bgy. Amid North sa nabanggit na lungsod.

Nabatid na nakaupo umano si Kamid sa nasabing lugar nang biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.

Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga salarin.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page