Malinaw ayon sa palad...BABAENG NAKATAKDANG MAKATULUYAN ANG KASALUKUYANG BF KAHIT MAY IBA PANG KA-CH


KATANUNGAN
1. May boyfriend ako ngayon at magdadalawang taon na ang relasyon namin sa Pasko.
Gusto kong malaman kung siya na ba ang aking makatutuluyan?
2. Niyayaya na niya akong magpakasal kami, pero hindi niya alam na may kaibigan ako sa internet na foreigner. Minsan, nang sumagi sa isip ko na baka foreigner ang mapapangasawa ko kaya naging kaibigan ko ang foreigner na ito?
3. Ano ang masasabi ninyo, may chance ba na foreigner ang mapangasawa ko at makapanirahan din kaya ako sa ibang bansa?
KASAGUTAN
1. Hindi ka ba seryoso sa boyfriend mo at hindi mo na ba siya mahal, Carmela? Kung mahal mo ang boyfriend mo at seryoso ka talaga sa kanya, hindi ka na dapat nakikipag-chat sa foreigner na naghahangad na maging girlfriend ka.
2. Kung ikakatwiran mong “magkaibigan lang kayo ng foreigner na ka-chat mo”, ang tanong ay bakit iniisip mo na baka siya ang mapangasawa mo sa future o kung sakaling mag-aasawa ka na?
3. Sa madaling salita, niloloko mo ang boyfriend mo dahil sa bandang huli ay alam mong maaaring magkahulugan kayo ng loob ng ka-chat mo at may mabuong relasyon sa inyong dalawa.
4. Dapat linawin mo muna ang isip mo at tanungin ang iyong sarili: “mahal mo ba ang boyfriend mo o baka hindi mo siya mahal kaya nangangarap ka pang makapag-asawa ng foreigner?”
5. Samantala, anuman ang kalabasan ng personal mong pagsusuri sa iyong sarili, ang pinakamalinaw sa lahat, may makapal at mahabang kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.
6. Ibig sabihin, kung may “quality relationship” na namagitan sa inyo ng boyfriend mo at idagdag pa natin kung may nangyayari na sa inyo at walang problema ang relasyon ninyo sa loob ng dalawang taon, tulad ng nabanggit na, ang guhit ng Marriage Line (Drawing A. at B 1-M arrow a.) ay nagsasabing kahit na may ka-chat ka pang foreigner sa kasalukuyan, sa bandang huli ay hindi rin mahahadlangan na kayo ang magkakatuluyan ng kasalukuyan mong boyfriend sapagkat iisa lang ang maayos at magandang Marriage Line (arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.
MGA DAPAT GAWIN
1. Kung hindi mo masyadong mahal ang boyfriend mo, Carmela, kaya nakikipag-chat ka pa sa foreigner, dapat ay linawin mo na agad ito sa iyong sarili at sa boyfriend mo upang hindi siya umasa sa inyong relasyon.
2. Samantala, kung pinapangarap mo namang makapag-asawa ng foreigner, sa halip na ang boyfriend mo, ibig sabihin lang nito ay hindi mo talaga siya mahal.
3. Gayunman, tulad ng nasabi na, anuman ang mangyari sa magulong isip mo, sa bandang huli, ang kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) pa rin ang matutupad sa ayaw at sa gusto mo — ang kasalukuyan mong boyfriend ang iyong makatutuluyan at sa sandaling naging mag-asawa na kayo, ang nasabing relasyon ay habambuhay nang magiging maunlad at maligaya (Drawing A. at B. h-h arrow b.).




Comments