top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

HOROSCOPE | DISYEMBRE 22, 2018 (Sabado)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 22, 2018
  • 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG DISYEMBRE 22, 2018 (Sabado): Kung ano ang iniisip mo, ‘yun mismo ang mangyayari sa iyong buhay, kaya ang payo sa iyo, maga­ganda at positibo lang ang dapat mong isipin ngayon.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lumayo ka muna sa mga pabigat sa bu­hay mo. Mas bigyan mo ng prayoridad ang mga nagpapasaya sa iyo. Sa ga­nito, maraming suwerte ang guguhit sa iyong ka­pa­laran. Masuwerteng ku­lay-blue. Tips sa lotto-9-10-18-21-24-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang patatangay sa sobrang kasi­ya­han. Maaaring mawala sa loob mo na ang maha­laga sa buhay ng tao ay ang pagpapatatag ng kan­yang kinabukasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­su­werteng kulay-black. Tips sa lotto-11-12-28-30-35-42.

GEMINI (May 21- June 20) - Nakaaakit ang kislap ng mga palamu­ting ilaw ngayong kapas­kuhan, pero ang higit na kaakit-akit ay mismong ikaw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-violet. Tips sa lotto-18-20-21-25-34-38.

CANCER (June 21- July 22) - Darapo sa iyo ang su­werte na pang­habambuhay. Ito na mis­mo ang regalo para sa iyo mula sa langit dahil sa mga ipinakikita mong ka­baitan sa mga nasa pali­gid mo. Masuwerteng ku­lay-peach. Tips sa lotto-3-14-16-26-34-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Bi­nabalaan ka na kapag hin­di mo nakon­trol ang pagbibigay ng mga regalo at ang pagpa­saya sa kapwa mo, sa su­sunod na mga araw, ikaw ay mau­ubusan ng kayamanan. Ma­su­werteng kulay-red. Tips sa lotto-4-22-24-30-39-45.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kahit sa mga sandali ng pag­sasaya hindi mo maiiwasang isipin kung may kabuluhan ba ang ka­paskuhan o pag-aak­saya lang ito ng kabuha­yan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-brown. Tips sa lotto-19-20-28-31-36-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Unahin mo ang kilala mong matampuhin. Pero, huwag mong kalili­mu­tan ang nakauunawa sa iyo. Sa ganito, ang iyong magiging Pasko ay walang kapantay na ligaya. Masu­werteng kulay-white. Tips sa lotto-2-17-22-28-30-31.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Totoo kaya na mas ma­palad ang nag­bibigay kaysa sa tuma­tanggap? Para malaman mo, magbigay at tumang­gap ka rin. Makikita mo at ikaw pala ang magiging pinakamapalad. Masu­wer­teng kulay-green. Tips sa lotto-5-15-16-25-36-49.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang mang­hi­ram para lang mapasaya ang kapwa mo. Kung ano lang ang kaya mo, ‘yun lang ang ipag­kaloob mo. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yel­low. Tips sa lotto-2-16-20-21-26-34.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – May hin­di nakikitang sinag ang da­rapo sa iyo sa mga araw na ito na kilala bilang “ilaw na pang-akit ng ma­gagandang kapalaran.” Masuwerteng kulay-pur­ple. Tips sa lotto-17-20-21-26-38-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis ang paglitaw at pagkawala ng magagandang opor­tuni­dad, pero ang masu­su­werteng balita ay hindi ka titigilan ng mga ito hang­gang sa ikaw ay uma­sen­so. Masuwerteng ku­lay-pink. Tips sa lotto-11-14-27-30-33-35.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kalimutan mo na ang iyong sama ng loob. Hindi ngayon ang pana­hon para mabuhay ka sa lungkot, bagkus ay mag­saya ka dahil ngayon ay panahon ng pagsasaya para sa lahat ng tao. Ma­su­werteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-20-25-31-40-44.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page