top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

GOLDEN GIRL DIAZ, DAPAT NASA TOP 16 PARA SA TOKYO CAMPAIGN

Clyde Mariano
Dec 22, 2018
2 min read

KINAKAILANGANG mapanatili niya ang kanyang ranking sa top 16 para makapaglaro sa 2020 Tokyo Olympics.

Sa eksklusibong panayam kay Asian Games gold medalist Hidilyn Diaz, bago ang pagdalo sa isang award sa TV station upang parangalan siya at bigyang pagkilala sa mga natamo niya karangalan kasama ang tagumpay sa Asian Games sa Indonesia, aniya, “Kailangang manatili ako sa top 16 rankings para makapaglaro sa Tokyo Olympics,” na nakasuot ng asul na gown. “Maski wala pa akong sasalihan hindi ako nagpapabaya at tuloy-tuloy ang ensayo ko sa gym para laging nasa condition. Sa umaga, jogging at sa afternoon buhat ng barbell,” wika ng 28-anyos na anak ng tricycle driver na taga-Zamboanga.

Lalahok siya sa 58 kilograms at hindi sa 53 kgs. na kanyang dinomina sa Asian Weightlifting, Games at Asian Indoor Games and Martial Arts na ginawa sa Ashgabat, Turkmenistan. “Wala akong magagawa at kailangan kong sumali sa 58kgs. dahil iyan ang gusto ng International Weightlifting Federation,” pahayag ni Diaz na magdiriwang ng kanyang ika-29 na kaarawan sa Pebrero 20, 2019.

Kung papalarin at makuwalipika, siya ang unang Pinay lifter na makasasabak ng dalawang beses sa Olympics na hindi nagawa ng mga lifters na nauna sa kanya. Ayon sa kanya lalahok siya sa apat na qualifying tournaments kasama ang torneo na gagawin sa Ningbo, China sa Abril sa susunod na taon.

Si Diaz ang unang Pinoy na nanalo ng medalya sa weightlifting sa Olympics Games na hindi nagawa ng lifters nauna sa kanya kasama si Job Mayo at Artemio Rocamora na lumaban sa light heavyweight noong 1964 Tokyo Olympics. Nanalo rin si Diaz sa Southeast Asian Games, Asian Games, Asian Weightlifting, ASEAN Weight­lifting na ginawa sa Myanmar at nagsilbing flag bearer noong 2010 Asian Games sa Guangzhou, China.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page