top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Feeling scared dahil baka siya ang ama ng ipinagbubuntis ng kanyang ex-gf

ROMA AMOR
Dec 22, 2018
1 min read

Dear Roma, Ako si Harvey, 29 na taong gulang at nagtatrabaho bilang sales agent. Mag-iisang taon na rin noong naghiwalay kami ng ex-GF ko, pero noong nakaraan lang ay nakita ko siya na may kasamang baby. Wala akong nabalitaang bagong BF niya at saka kung may bagong BF man siya, parang ang bilis naman yata para magkaanak sila? Roma, malakas ang kutob ko na ako ang ama ng batang ‘yun dahil bago kami maghiwalay ay napapansin ko ang ilang sintomas ng pagbubuntis sa kanya. Ano ang dapat kong gawin? Maraming salamat! — Harvey

Harvey, Sundin mo ang iyong kutob, bro! Sa tingin namin ay hindi pa huli ang lahat para makausap mo ang iyong dating nobya nang sa gayun ay maging malinaw para sa’yo kung ikaw ba talaga ang ama ng batang kasama niya. Hiling namin na makapag-usap kayo ng ex-GF mo dahil ‘yun ang tanging paraan upang makumpirma mo kung tama ba ang iyong hinala. Good luck at God bless!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page