top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Confirmed, fans todo-kilig, Mayor Bistek… KRIS, BATAMBATANG ABOGADO ANG KASAMANG MAGPA-PASKO SA JAPA

  • Nitz Miralles
  • Dec 22, 2018
  • 1 min read

MASAYA at kinikilig ang mga shippers nina Kris Aquino at Atty. Gideon Peña na magkasama ang dalawa sa bakasyon nila sa Tokyo, Japan. Pero, bago kayo kili­gin, kaya kasama si Atty. Gideon sa Tokyo ay dahil part na siya ng KCAP Team ni Kris at nagtatrabaho na sa production outfit nito.

Kahit nilinaw na nina Kris at Atty. Gideon na purely business and work lang ang relationship nila at walang liga­wang nangyayari, masaya pa rin ang mga supporters nila na magkasama sila sa Pasko dahil sa Tokyo magpa-Pasko sina Kris at mga anak na sina Josh at Bimby.

Isinama rin ni Kris ang iba niyang team at si Jack Salvador, ang ate nito at anak para malibang dahil kamamatay lang ng ina nito.

Pinayagan si Kris ng kanyang doctor na umalis dahil stable ang BP niya at para mabigyan ng “real” vacation sina Josh at Bimby. Kaya lang, habang nasa Tokyo sila, hindi nakaya ni Kris ang lamig kahit dobleng heattech na ang suot niya. Sa hotel lang siya nag-stay kasama ang trusted niyang P.A. na si Bincai Luntayao.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page