top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Bukod sa kumpleto ang pamilya, besh! TIPS PARA MA-ENJOY ANG PASKO, ALAMIN!

  • No Problem
  • Dec 22, 2018
  • 1 min read

EXCITED ka na ba ngayong Holiday Season dahil sa wakas ay magagawa mo na ang mga gusto mong gawin? Ilang tips upang ma-enjoy ito, alamin:

1. MAKE A LIST. Isa ito sa mahahalagang hakbang upang lubusan mong ma-enjoy ang holiday. Kung may mga plano ka na, mabuting ilista na ito, maliit o malaking bagay man ito. At siyempre, huwag mong kalilimutang itsek ang iyong listahan upang hindi mo makaligtaan kung ano ang dapat mong gawin sa araw na ‘yun.

2. SHOP AT OFF-TIMES. Kung ikaw naman ay magsa-shopping, inererekomenda na magpunta ka sa mga mall o shopping center sa mga oras na wala pang gaanong tao tulad ng opening time hanggang lunch time.

3. LIMIT YOURSELF FROM SOCIAL MEDIA. Yes, besh. Bawasan ang pagbababad sa social media dahil kapag ikaw ay nalibang dito, tiyak na mabilis na lilipas ang maghapon at wala ka ng magagawa ru’n.

4. LEARN TO SAY “NO”. Kapag nakatanggap ka ng imbitasyon, hindi ibig sabihin ay kailangan mo na itong puntahan. Pag-isipan mong mabuti kung saang event o party ka dapat pumunta at isipin mo rin kung kakayanin pa ba ng iyong oras na puntahan ang lahat ng ito.

5. MONITOR YOUR EXPENSES. Hindi dapat shopping dito, shopping doon, besh! Ang pagmo-monitor sa iyong mga magagastos ngayong Holiday Season ay makatutulong upang malaman mo kung may budget ka pa kapag bumalik ka na sa trabaho. He-he-he!

Oh, ayan, mga beshy, kung may mga plano ka ng gagawin this Holiday Season, huwag mong kalimutang sundin ang mga tip na ito upang mas masulit at ma-enjoy mo ang iyong bakasyon. Happy holidays, mga beshy!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page