Kung saan at kailan isinilang si Baby Jesus... MGA PANINIWALA TUNGKOL SA PASKO

Bigyang-daan natin ngayon ang mga hindi napapansing kaalaman tungkol sa pagsilang ni Baby Jesus at ang Tatlong Haring Mago.
Alam ng lahat na bago pa man isilang si Kristo ay kalat na kalat na ang hula sa kanya na may isang dalaga ang magsisilang ng isang lalaking sanggol at ang pangalang itatawag sa sanggol ay, “Prinsipe ng Kapayapaan at Tagapagligtas ng Sanlibutan”.
Ganu’n na lang ang excitement ng lahat dahil noon pa man sa panahon ng Dakilang Propetang si Moses ay sinasabi na niyang si God ay bababa sa lupa at makisasalamuha sa mga tao. Kaya ang magandang balitang ito ay inaabangan ng lahat ng mga pangkaraniwang tao, may mga matataas ang ranggo at mga naninirahan sa Judea, gayundin ang mga Jews na nasa malalayong lugar.
Walang tigil ang mga tinatawag na pantas sa kasulatan at ng mga saserdote araw at gabi, kumbaga, 24/7 silang nagsasaliksik at kung may google search na noon, malamang na nagliliyab ang kanilang computer engine.
Gayundin, ang mga nasa paligid ng Hari ng Judea ay nag-uunahan na matukoy kung kailan at saan mismo isisilang ang Hari ng Sanlibutan. Ang mga eksperto sa Kabbala ay hindi rin natutulog dahil sobrang mahalaga sa kanila kung paano malalaman kung saan isisilang ang Dakilang Kristo .
Pero, ang masaklap na balita, ni isa sa kanila ay lumabas na mahina, kapos sa kaalaman at walang kamuwang-muwang kung saan ipapanganak si Hesus.
Ayon sa kasaysayan na nasusulat mismo sa “The Bible”, may tatlong haring astrologers na nagpakita sa kaharian ng Judea na ang layunin ay sambahin at bigyan ng regalo si Baby Jesus. Sa puntong ito, sa aminin man o hindi ng lahat ng relihiyong Kristiyano, Katoliko man o mga Protestante, Born Again atbp., may tinatawag talagang Tatlong Haring Mago na isa sa mga bahagi ng Pasko.
Kaya lang siyempre, hindi naman nila basta-basta matatanggap na kung hindi dahil sa mga astrologer ay walang Pasko dahil nasusulat din na “sila ay mga mata pero hindi nakakakita”. Kumbaga, nababasa nila letra-por-letra na ang Tatlong Astrologer ay dahilan kung bakit may Pasko, pero nagbubulagbulagan sila.
Paano nila mapasisinungalingan na ang Astrolohiya ay hindi totoo ganu’ng kung hindi dahil sa kaalamang pang-astrolohiya ng Tatlong Haring Astrologer hanggang ngayon dapat ay hinihintay pa rin ng mga tao sa katuparan ng hula na isisilang ng isang dalaga si Baby Jesus. Kaya dapat isabuhay natin ang “we must give credits to whom in may belong”.




Comments