top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kung ayaw daw ipasara ang TV network… P-DU30 SA ABS-CBN: I-PROMOTE N'YO ANG PEDERALISMO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 21, 2018
  • 2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

ILANG beses nang nagpaparinig si President Rodrigo Roa Duterte sa pagpapasara sa bigating TV network na ABS-CBN. Binantaan pa ng presidente ang Kapamilya Network na siya mismo ang pipigil sa pagri-renew nito ng kanilang franchise, na matatapos sa darating na 2020.

Sa kanyang binitawang talumpati sa PDP-Laban Christmas party benefit dinner na ginanap noong December 12, sinabi ni P-Digong ang kanyang kondisyon sa ABS-CBN.

Ayon sa pangulo, handa siyang makipag-areglo sa TV network kung maipapangako nitong tutulu­ngan nila ang gobyerno na i-promote ang pederalismo.

Aniya, “Kung magtulong kayo diyan sa federal system campaign at gawain ninyong slogan also for the unity and to preserve this republic, makipag-areglo ako.”

Nagsimula ang pagkadismaya ni P-Digong sa ABS-CBN nang iki­nuwento nitong hindi raw inilabas ng network ang binayaran niyang ad campaigns nu’ng 2016 elections.

Sa nasabing speech, inungkat uli ng presidente ang naging utang ng ABS-CBN sa kanya, at sina­bing handa siyang makipag-usap sa mga Lopez, ang may-ari ng nabanggit na network.

Ani Duterte, “Ba’t kayo, may mali man rin kayo, may utang rin kayo sa gobyerno, do your part and maybe we can talk about it.

“I will go to you and say… Wala akong hingiin. Just dedicate a portion of your time, your expensive and precious time on TV, help us promote federalism, only the good ones. But if you think that it is not into your system, fine.

“Pero kung suportahan lang ninyo ang… Kayong mga network, wala kayo. Wala akong hingiin, ‘yan lang.

“And I said, I’m willing to shake hands with you.”

Gayunpaman, sinabi ng pangulo na hindi niya pipigilan ang ABS-CBN na ibalita ang kanilang kritisismo sa korupsiyon, dahil katulad ng network, ayaw din daw niya ang ganitong gawain sa kanyang pamahalaan.

“You can continue with your criticisms about corruption. Pareho tayo, ayaw ng corruption and wrongdoing,” pahayag ni Duterte.

Hanggang ngayon, naka-pending pa rin sa Congress ang application for renewal ng ABS-CBN.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page