top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kapalit ng mga hinanakit at lungkot na kanilang nadarama... KATARUNGAN ANG IBIGAY NA PAMASKO SA MGA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 21, 2018
  • 3 min read

BULGAR DAING MULA SA HUKAY... HUSTISYA

PAO CHIEF PERSIDA ACOSTA / DAING MULA SA HUKAY HUSTISYA

ANG mga salitang ating binibitiwan ay ma­aaring sumugat o hu­maplos sa damdamin ng pinatutungkulan. Hindi lang mga bata ang biktima ng “bullying” kundi ma­ging ang aming tanggapan na gumaganap lamang sa tungkulin.

Sa kasong hinahawakan namin na may kaugnayan sa bakunang Dengvaxia, mara­ming pahayag ang lalo pang nagpabigat sa alalaha­nin ng mga pamilya ng mga na­matay at nagkaroon ng ma­tinding sakit. Ang nasabi ring mga pahayag ay tila kabilang sa naghatid ng pag­kabalisa sa mga biktimang pumanaw na dahil hindi ma­wala ang pagpaparamdam nila.

Sa mga pagkakataong tila sumasadsad ang moral ng nasabing mga pamilya, may mga paglilinaw na muli’t mu­ling ipinaaalala ang Public Attorney’s Office Forensic Team (PAOFT) upang ma­ibsan ang negatibong epekto ng mga pahayag na tila may himig ng paninisi sa mga magulang na wari ay may ma­laki silang papel sa pag­panaw ng kanilang mga na­biktimang anak. Kabilang dito ang sumusunod na mga pangungusap mula sa PAOFT Director na si Atty. Erwin P. Erfe, M.D.:

“Napatunayan ng Public Attorney’s Office Forensic Team (PAOFT) sa pamama­gitan ng isandaan at anim (106) na mga biktimang su­mailalim sa forensic exa­mi­nation nito ang idineklara nang paulit-ulit ng Sanofi na ang bakuna ng Dengvaxia ay nakapagdudulot ng vis­ce­rotropism, neurotropism, se­vere dengue and anaphyl­ac­tic reaction at ang lahat ng ito ay fatal.

Ang mga sumasalungat dito at nagsasabing ligtas ito ay inililigaw sa katotohanan ang mga Pilipino at kanila ring ipinagkakanulo ang alaala ng daan-daang mga namatay nang dahil sa bagsik ng na­sabing bakuna.

“Ang libu-libong naba­kunahan ng Dengvaxia na naospital dahil sa apat (4) na fatal risks na kinilala ng Sa­nofi noong December 22, 2015 ay nagpapahayag ng katotohanan at walang peke o panlilinlang sa kaawa-awa nilang sitwasyon. Ang hu­wad ay ang mga pahayag ng mga nagtatangkang pagtak­pan ang kamatayan ng daan-daang Dengvaxia vaccines, gayundin ang mga salita ng mga nagnanais na itago ang pagkakaospital ng libu-libong mga bata at daanlibong mga pamilya na matinding nag-aalala sa sinapit nila.

“Ang dumaraming bi­lang ng mga namatay sa Dengvaxia vaccines na nga­yon ay daan-daan na ay to­toong bunga ng criminal act na isinagawa ng ilang mga dok­tor ng DOH. Na-autop­sy ng PAO Forensic Team ang isandaan at anim (106) na mga namatay ng dahil sa Deng­vaxia kung saan nakita sa kanila ang inamin ng Sa­nofi na side-effects nito.

May mga mahal sa bu­hay ang mga biktima at na­kararaming supporters ang PAO na siya namang nagpa­padama sa amin ng kanilang patuloy na paniniwala sa aming kakayahan at kata­patan sa pamamagitan ng mga salita nilang ito:

“Bakit hindi sila namili ng three (3) billion worth of measles vaccine noong 2015? Dahil ba noong 2015 pa la­mang ay mahina na ang turn-out ng magpapabakuna para sa measles vaccine? Kung noon pa mahina ang nasa­bing turnout, bakit ngayon lang inilalabas ito dahil ba napakadaling gawin na es­cape goat ang PAO sa mga panahon ngayon?

“Ang PAO ba ang nagpa-presscon na hindi puwede ang bakuna sa hindi pa na-dengue noong November 29, 2017, hindi ba ang Sanofi? Kaya kapag nababanggit ang mga sali­tang nanggaling mismo sa sarili nilang (Sanofi) mga bi­big, huwag PAO ang balikan nila ng negatibong reaksiyon.

Alam nila kung sino ang pinagmulan ng mga pahayag na dapat sana ay nasabi nang mas maaga at may buong pagmamalasakit upang hin­di na nag-umpisa ang panga­nib at kalunus-lunos na tra­hedya.

“Ang PAO ba ang namili at nagpaturok during clinical trial ng experimental Deng­vaxia up to November 30, 2017, hindi ba, ang DOH? Sina Secretary Francisco Du­que, ating DOH Secretary Janette Garin, Dr. Raymun­do Lo, Dr. Jullius Lecciones, Philippine Children’s Medi­cal Center (PCMC) at may mataas na katungkulang mga doktor? Sino ba ang nag­benta n’yan? Hindi ba ang Zuellig Pharma?”

Sa kabilang buhay daw ay mas malakas o sensitibo ang pandama ng mga lumi­san kaysa sa ating mundong ginagalawan. Nawa ang mga pahayag sa itaas ay magdulot sa kanila ng kasiguraduhan na sila ay patuloy na ipagla­laban hanggang sa makamit nila ang ganap na katahimikan na hatid ng katarungan.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page