HOROSCOPE | DISYEMBRE 21, 2018 (Biyernes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG DISYEMBRE 21, 2018 (Biyernes): Umaatras man kung minsan ang iyong kapalaran, patuloy pa rin ito sa pagtaas. Kaya wala kang dapat ipag-alala dahil dito, magpasalamat ka sa nasa itaas.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi mamamalayan ng iyong mga karibal na angat na angat ka na. Ito ay dahil sobra silang nalilibang sa masasayang kaganapan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-14-26-38-40-44.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nanghihiram ng liwanag ang buwan sa Haring Araw. Kaya hindi masamang manghiram. Manghiram ka ng mga susi ng tagumpay sa mga malalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-20-32-37-41-43.
GEMINI (May 21- June 20) - Sobrang bilis nang takbo ng buhay mo sa kasalukuyan. Kaya walang puwang ang makukupad at mababagal lalo na ang matagal magdesisyon. Huwag mo silang tularan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-7-11-16-22-38.
CANCER (June 21- July 22) - Hindi magkaintindihan ang puso at isip ng tao. Sa mga araw na ito, ang sikreto ng kaligayahan ay nasa utos ng damdamin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-9-17-20-30-39.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kumuha ka ng mga pormula sa pagpapayaman, hindi lang sa isa kundi sa ilan mo pang mga kakilala. Sa ganito, maiiwanan mo nang milya-milya ang iyong mga kakumpitensiya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-21-27-33-38-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang hihinto sa pag-akyat sa hagdan ng iyong mga pangarap. Puwede kang mamahinga kahit pansamantala upang bumalik ang iyong lakas at muli kang humakbang paitaas. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-11-19-20-27-32.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong pigilan ang nagagalit. Dito sa mundo, ang lahat ay lumilipas din. Sa ganito, makikita mo na pagkatapos ng galit ay may matamis na pag-ibig. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-24-27-30-41-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi ka mabibigo kapag malinis at dalisay ang iyong puso, pero maaari kang masaktan. Ang mga hindi bagay sa iyong buhay ay wawalisin ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-13-15-26-36-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magpapatuloy ang masusuwerteng araw mo. Gamitin mo ito sa magandang paraan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-10-18-21-23-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagbabago ang lahat sa mundo, kaya kung may nagbago sa harapan mo, tanggapin mo ito nang maluwag sa iyong kalooban dahil ang mga ito ay para sa ikagaganda ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-17-22-27-38-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sinupin mo ang mga suwerteng magdaratingan sa iyo. Hindi masama ang mamigay, pero huwag mong kalilimutan na sa iba pang mga araw ay maaari kang mangailangan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-18-25-31-37-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakagugulat ang iyong kapalaran dahil sa iyo mapupunta ang suwerteng nasa ibang tao, pero hindi pinahalagahan. Sa huli, ang mga sumuko ay inggit na inggit sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-20-25-30-39-45.




Comments