Empleyado tiklo sa shabu
Pabs Hernandez III
Dec 21, 2018
1 min read
DAVAO DEL SUR—Isang drug pusher na empleyado ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng shabu, kamakalawa sa bayan ng Hagonoy sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Edilberto Mole, nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng apat na sachets ng shabu, markadong pera at motorsiklo sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments