4 most wanted timbog
- Pabs Hernandez III
- Dec 21, 2018
- 1 min read
SULTAN KUDARAT—Apat na most wanted ang nadakip ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Chua, Bagumbayan sa lalawigang ito.
Kinilala ang mga suspek na sina Eugene Tual, Leonardo Tianzon, kapwa miyembro ng CAFGU (Citizens Armed Forces Geographical Unit), Lloyd Tianzon at Locreds Tuan, kapwa barangay tanod sa nasabing barangay.
Nabatid na dinakip ng pulisya ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nilang kasong arbitrary detention.
Hindi nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng pulisya sa naturang lugar.





Comments