2 katao sugatan sa tandem
NORTH COTABATO—Dalawa katao ang sugatan nang pagbabarilin sila ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. Tugal, Midsayap sa lalawigang ito.
Ang mga biktima ay nakilalang sina Norja Mamalinta at Datu Ali Salim, kapwa residente ng Bgy. Mudseng sa nasabing bayan.
Nabatid na lulan ng motorsiklo ang mga biktima nang dikitan sila ng dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay din sa motorsiko at agad pinagbabaril sa hindi pa malamang dahilan.
Ginagamot na sa ospital ang dalawang biktima, samantalang, pinaghahanap na ng pulisya ang mga suspek.





Comments