Tuwang-tuwa na sikat uli sa Dos… SHARON, SINAGAD AT INABUSO ANG KATAWAN KAYA BUMIGAY
- BULGAR

- Dec 20, 2018
- 2 min read

SOBRANG napagod at na-drained ang energy ni Megastar Sharon Cuneta dahil sa sunud-sunod na projects na kanyang ginawa simula nang maging aktibong muli ang kanyang showbiz career.
Pagkatapos ng new movie nila ni Robin Padilla, nag-concert siya sa Araneta Coliseum at isiningit na rin ang paggawa niya ng bagong album.
All-out siya sa pagpo-promote ng kanyang album, pero nagawa pa ring tapusin ang pelikula nila ni Richard Gomez, ang Three Words to Forever. Bukod pa riyan ang mga TV guestings at out of town shows.
Halos hindi na siya nagkaroon pa ng oras upang makapagpahinga kaya bumigay na rin ang katawang lupa ni Shawie at nauwi sa pagkakasakit. Kailangan niyang mag-slow down at makapag-recharge ng lakas.
Sobrang natuwa at na-excite si Mega sa magandang feedback ng lahat sa kanyang pagbabalik-pelikula at music scene. Big, big, success ang concert niya sa Big Dome dahil nanabik nang husto ang kanyang mga diehard fans. Napaka-special ng kanyang anniversary concert na pinanood ng mga kapwa niya celebrities.
Kaya naman, na-inspire si Shawie na muling sumabak sa recording scene at gumawa ng bagong album.
At siyempre, tuwang-tuwa rin ang mga Sharonians!
◘◘◘
THROUGH this column, nagpapaabot kami ng pasasalamat sa mga maagang nagbigay ng Christmas party for the Press tulad ng GMA Network, ABS-CBN, Star Magic, Regal Entertainment of Mother Lily Monteverde and Roselle Teo, ganu’n din sa nag-share ng mga blessings tulad ng PAO headed by Attorney Persida Acosta, Michael V., Cristy Fermin of Obra Gallery, Direk Paul Soriano, Eat… Bulaga! (Tape, Inc.), Madam Nida Sison of BULGAR, Bacoor Mayor Lani Mercado, L.A. Santos, Ms. Alma Concepcion, Airtime Marketing, Direk Cesar Cosme of Bubble Gang, Enrico Roque, Odette Khan at Gina Alajar, Manay Marichu Maceda.
Advance Merry Christmas sa inyong lahat!





Comments