Pusher dedbol sa drug-bust
Pabs Hernandez III
Dec 20, 2018
1 min read
SOUTH COTABATO—Isang drug pusher ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation, kamakalawa sa Bgy.
Poblacion, Polomolok sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Danilo Gutierrez, nakatira sa nasabing barangay.
Nabatid na darakpin sana ng pulisya sa drug-bust operation si Gutierrez, pero bigla nitong pinagbabaril ang mga awtoridad.
Dahil dito, napilitan ang pulisya na gumanti ng putok kaya napatay ang suspek.





Comments