top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pahiwatig na magkakaroon ng asawa at anak

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 20, 2018
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Juliet ng Juliet_Janeth@facebook.com

Dear Professor,

Nanaginip ako, ang dami ko raw pera at inilagay ko ito sa ban­gko, magkaka­totoo kaya ‘yun?

Ano rin ang kahu­lugan ng panaginip ko tungkol sa lalaki na hindi ko kilala, ipina­hihiwatig ba nitong da­pat na akong mag-asawa o dapat akong mag-ito?

Naghihintay,

Juliet

Sa iyo Juliet,

Ang panaginip mong marami kang pera at inilagay mo ito sa bang­ko ay patanaw sa hina­harap na ikaw ay magka­karoon ng mara­ming pera na idede­posito sa bangko.

Ang panaginip mong ito ay nagsasa­bing, ikaw ay magkakaroon ng negosyo at susuwerte­hin ka rito at ang paha­bol na payo ay puwede ka na ring magnegosyo agad-agad, kumbaga, ngayon mo na ito gawin nang sa gayun ay mabi­lis kang yumaman na isa rin sa mga kahulugan ng iyong panaginip.

Ang ikalawang pa­naginip ay mababasa sa mismong Banal na Ka­su­latan, Juliet, ganito ang nakasulat, “at naki­la­la ni Adan si Eba at sila ay nagkaanak.”

Hindi lang kina Adan at Eba nangyari ang gan­yan dahil paulit-ulit ‘yang binabanggit sa Bibliya.

Para maniwala ka, bakit hindi ka magbasa ng Bibliya nang sa ga­yun ay malaman mo ang katotohanan? Just open your Bible and it will surely open your mind.

Pero, ano nga ba ang ipinahihiwatig ng pana­ginip mo na may naki­lala kang lalaki? Ito ay sim­pleng nagbabalita na ikaw at ang iyong asawa ay magkakaanak.

Oo, iha, ito ay mang­yayari!

Maaaring magtataka ka rin dahil ang pana­ginip ay “lalaki” ang sina­bi at hindi ang asa­wa mo. Gayundin, ang payo rito, open your Bible and see the truth na ang tawag sa asawa ng babae ay “kanyang lalaki”.

Hindi ba, ang sarap magbasa ng Bibliya? Hindi ka lang sasaya kun­di marami ka ring malalaman dahil pani­gu­rado na pagkatapos mong basahin ang sagot sa iyong mga panaginip, ikaw ay nakangiti.

Samantala, ang sina­sabi mong dapat kang mag-ingat ay hindi na kailangan pang pag-usapan.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page