Lalaking problemado dahil sa kutob na iba ang hitsura ng kanyang ka-chat
Dear Roma,
Ako si Ariele, 23 years old at taga-Quezon City. Gusto kong humingi ng advice sa inyo tungkol sa kutob ko. Ngayon ay mayroon akong ka-M.U. na taga-Cebu, halos isang taon na kaming nagkakamabutihan, pero hindi pa kami nagkikita kahit isang beses. Nararamdaman kong seryoso siya sa akin, pero pakiramdam ko talaga na ‘yung mukha na ginagamit niya sa social media, eh, hindi sa kanya. Roma, ano ang dapat kong gawin? Salamat! — Ariele
Ariele,
Kung kinukutuban ka na, iho, mas mabuti na komprontahin mo na siya tungkol sa iniisip mo. Mahirap kasi na mag-assume ka na hindi siya ‘yun kung hindi naman kumpirmado. Maipapayo namin sa’yo na kung sakali mang hindi ‘yun ang totoong mukha niya, tanggapin mo pa rin siya dahil tulad nga ng nabanggit mo, nagkakamabutihan naman kayo. Hangad namin na makausap mo siya kaagad tungkol dito nang sa gayun ay mawala na ang pangamba mo. Go, bro! God bless!





Comments