Laborer tepok sa kaalitan
CAGAYAN—Isang laborer ang namatay at sugatan naman ang kaibigan nito nang saksakin sila ng kanilang nakaalitan, kamakalawa sa Bgy. Centro, Lal-lo sa lalawigang ito.
Kinilala ang nasawi na si Erwin Donato, samantalang, ang sugatan ay si Randy Campos, kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nag-iinuman sina Donato at Campos nang kantiyawan nila ang dumaraang lasing na suspek na si Clifford Baquiran na naging dahilan upang saksakin sila ng salarin.
Dinala ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Donato, samantalang, agad nadakip ng pulisya ang suspek.





Comments