top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Komedyante, pinaasa lang daw, biglang iniwan sa ere… VICE, TAMEME SA BALIKAN NI CALVIN AT NG MISIS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 20, 2018
  • 2 min read

INULAN ng kaliwa’t kanang batikos ang basketball player na si Calvin Abueva matapos nitong mag-post ng larawan ng isang babae sa kanyang Instagram account.

Bagama’t petsa lamang ang caption ng naturang larawan kung saan isinulat ni Calvin ang August 08, 2010, pinani­niwalaan ng marami na ang babaeng nasa larawan ay ang asawa niya.

May mga sumuporta kay Calvin sa comments section ng Instagram post. Isang netizen ang nagsabi (@yasmin­062216): “Guys please let us respect them.. We don’t have the right to say anything against @calvin.abueva.9465 by what we just saw and what we heard.. Galit din ako kay calvin at first kasi im a huge fan of @praybeytbenjamin pero ano bang madudulot sakin kapag pinagpatuloy ko yung galit ko? Wala naman eh, besides ayaw ng meme na may away at ayaw niyang pagtatanggol siya sa pamamagitan ng gulo..

“We better shut up kasi si bays nga no comment na eh tayo pa kaya, naiintindihan ko kayo lahat.. Kaso wala eh tapos na, nangyari na and WE CAN’T DO ANYTHING ABOUT IT EVEN MEME kung si Calvin na ‘yung nag-decide.. Ang magandang gawin na lang natin is to spread happiness and good vibes.”

Nagbigay naman ng mataling­hagang sagot si Calvin sa kanyang mga bashers: “Alam n’yo si Vice totoong kaibigan. Ang asawa, asawa talaga, wala ako pakealam kung bash n’yo ako oh support kayo kame ni Vice true friend ang turing ko sa kanya hindi s’ya iba sa ‘kin.”

Kung matatandaan, una nang napa­ba­lita na naghiwalay, pero kamakailan ay nagkabalikan na nga raw si Calvin at ang kanyang misis.

Marami tuloy ang nagtatanong kung ano ba talaga ang totoong estado ng relasyon nina Vice at Calvin.

Hanggang ngayon kasi, tahimik ang Phenomenal Box Office Superstar sa isyung ito. Kunsabagay, kung si Vice nga mismo, tahimik, bakit nga naman kailangang gawing malaking issue ang post ni Calvin sa Instagram?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page