top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

KAMANDAG NG ‘AHAS’ SUSUBUKIN NI IOKA

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 20, 2018
1 min read

MAY bagong susu­bok sa kamandag ni Don­nie ‘Ahas’ Nietes sa pag­harap ng longest-reigning Pinoy boxing champion sa Hapong si Kazuto Ioka sa “Pinoy Pride Presents: Nietes vs Ioka” sa ABS-CBN S+A sa huling araw ng taon (Disyembre 31) ng 9 pm.

Halos tatlong buwan ding nagpahinga ang pambato ng Pilipinas nang magtabla sila ng ka­tunggali at kapwa-Pinoy na si Aston Palicte sa The Forum sa Inglewood, Ca­lifornia, U.S.A. noong Set­yembre.

Haharapin ni Nietes (41-1-5, 23 KOs) si Ioka na may hawak na 23-1, 13 KOs na kartada. Pagtata­lunan ng dalawa ang ba­kanteng trono ng World Boxing Organization (WBO) Super Flyweight na dibisyon.

Ito rin mismo ang na­bigong pagsungkit ni Nietes ng sinturon kontra kay Palicte.

Para sa mananaliksik at boxing analyst na si Atty. Ed Tolentino, si Ioka na ang pinakamahirap na makatapat ni Nietes sa puntong ito ng kanyang karera.

“Kalaban na ngayon ni Nietes ang pagtanda at isang batang Ioka na mahilig bumira ng mga suntok. Ang maganda kay Nietes, mahusay siya sa depensa at intere­santeng makita kung kaya niya pa ang ma­tinding opensiba na ti­yak manggagaling kay Ioka. Ang lamang ni Nietes dito, hindi maga­law ang ulo ni Ioka at halos parati itong nabi­bitag sa isang sapakang parang away-kanto at dito niya matitikman ang matinding counter ni Nietes,” bahagi ng ana­lyst. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page