top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

HOTSHOTS, KAMPEON!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 20, 2018
1 min read

HINDI na hinayaan ng Magnolia na makaporma pa ang Alaska kaya tinuka nila ang 102-86 panalo sa Game 6 kagabi upang sik­watin ang korona sa 2018 Philippine Basketball Association, (PBA) Finals sa Ynares Center, Anti­polo.

Inalagaan ng Hotshots ang malaking abante nila sa second half upang makuha ang matamis na panalo at tapusin ang kanilang best-of-seven finals series. Sa simula pa lang ipi­na­ramdam na ng Hot­shots ang kanilang lakas matapos nilang ungusan ng malaking bentahe ang Alaska sa unang dalawang periods.

Hinawakan agad ng Pambansang Manok Magnolia ang 18-points lead, 60-42 sa halftime.

Samantala, natupad na ang pangarap ni CJ Pe­rez na makapasok sa Philippine Basketball Association, (PBA) matapos si­yang piliin ng Colum­bian sa naganap na 2018 annual PBA Rookie Draft sa Robinson’s Place Manila. First round No. 1 pick si former NCAA Most Valuable Player, (MVP) Perez. “Dream come true, matagal ko ng pinapa­ngarap na makapaglaro sa PBA, tapos ito pa, binigyan ako ng prEbilehiyo na maging first pick,” saad ni Lyceum of the Philippine star Perez.

“Susuklian ko ito ng hustle at effort every game.” Inabot ng mahigit dala­wang oras ang pilian, 41-sa 47 na nagpatala ang masuwer­teng nakursu­nadahan ng mga teams sa PBA.

Napunta si Bobby Ray Parks Jr. sa Blackwater Elite bilang No. 2 pick.

Subalit wala ang anak ni dating PBA best import Bobby Parks Sr. ng tawagin ang kanyang pangAlan ng Blackwater dahil kasalu­kuyan siyang nag­lalaro sa San Miguel Alab sa Asean Basketball League sa Sura­baya. Napiling pa­ngat­lo si Robert Bolick ng NorthPort bahang sor­presang fourth pick si Paul Desi­derio lu­man­­ding siya sa NLEX.

“Amin na ito, “ hayag ni NLEX coach Yeng Guiao ng kunin si Desi­­derio. (ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page