‘PINAS OVERALL CHAMP SA WORLD E-SPORTS
- BULGAR

- Dec 20, 2018
- 1 min read

NAG-OVERALL champion ang Pilipinas sa World Electronic Sports Games SEA finals na ginanap sa Quill City Mall sa Kuala Lumpur, Malaysia kung saan nanguna ang Pinoy team na TNC Predator sa DOTA 2 at ArkAngel sa CS: GO Female.
Gintong medalya ang nasungkit ni Caviar “EnDerr” Acampado sa Starcraft II habang pumangalawa si Euneil “Staz” Javinas sa Hearthstone.
May cash prize, bukod sa medalyang napalunan ang TNC Predator at ArkAngel sa halagang $7,500 habang si Acampado ay may ibinulsang $3,750.
Ang second place ay may nakopong $4,500 para sa TNC habang $2,250 naman ang naiuwi ni Javinas.
Kuwalipikado na ang bansa bunga ng panalo sa WESG 2018 Global na gaganapin sa Chongqing China sa Marso 2019. (ATD/MC)





Comments