Lalo na ngayong kaliwa‘t kanan ang handaan, mga besh! IBA‘T IBANG PARAAN UPANG DEHINS MATAWAG NA BUW

PANAHON na ng kaliwa’t kanang mga party sa kumpanya at mga kapamilya kung saan tiyak na invited ka, lodi. Pero, knows ba ninyo na bilang bisita, dapat din na mayroon kang gawin? Narito ang ilang tips para sa mga dadalo sa iba’t ibang party ngayong Pasko:
1. CONFIRM. Kahit siguradong invited ka, beshy, mahalaga pa rin na ikumpirma mo kung makapupunta o male-late ka. Sa ganitong paraan, magiging madali para sa nag-imbita na malaman kung gaano karaming pagkain at inumin ang kanyang ihahanda.
2. DON’T ASSUME. Hindi lang sa pag-ibig, besh! Ano raw? Ha-ha-ha! Ang ibig naming sabihin, eh, kung ikaw lang ang inimbita, huwag ka nang mag-assume na puwede kang magsama ng plus one o kahit ilan pa.
3. COME ON TIME. Huwag ugaliing ma-late sa mga party dahil nakahihiya sa nag-imbita sa atin, lodi. Hindi ba’t, nakape-pressure kapag ikaw na lang ang hinihintay para tuluyang magsimula ang party? He-he-he!
4. BRING SOMETHING TO DRINK OR EAT. Yup! Hindi porke may nakahain nang pagkain at inumin, eh, wala tayong ibang gagawin. Magandang paraan ito nang sa gayun ay matikman ng iba pang bisita ang iyong paboritong pagkain o inumin. Ayos ba?
5. PREPARE FOR GAMES. Tiyak na hindi ito mawawala sa kahit anong party. Mabuting paghandaan ang mga games na tiyak na nakaaaliw. Magdala rin ng baraha o jengga para kapag naubos na ang games, mayroon pa rin kayong libangan.
6. NO PHONES. Minsan lang naman ito, lodi! Iwasan muna ang pagdudutdot sa iyong cellphone nang sa gayun ay mas makapag-focus ka sa party at ma-enjoy mo ito. Puwede naman kayong mag-picture-taking, pero i-post mo lang ‘to, after party. Okie?
7. BE KIND. For sure ay may ilang bisita na hindi mo lubusang kilala. Kaya, lodi, siguraduhin mong magiging mabait at palangiti ka nang sa gayun ay everybody happy.
8. MINGLE. Makisama ka, beshy! Hindi ka dapat nasa isang tabi lang dahil nagpunta ka roon para sa party, hindi para magmukmok. Subukan mong makipag-usap kahit small talk lang, malay mo, pareho pala kayo ng hilig ng kausap mo. Oh, ‘di ba?
Kaya mga bro at sis, huwag kalilimutan ang ilang tips na ito nang sa gayun ay maging mabuting bisita tayo sa lahat ng ating dadaluhang party. Enjoy!
Copy?





Comments