Kung si Boyet, todo-suporta sa anak… NORA, INISNAB ANG KASAL NI LOTLOT

ANG amang si Christopher de Leon at ang anak na si Diego Gutierrez ang naghatid kay Lotlot de Leon sa altar sa kasal niya kay Fadi El Soury noong December 17.
Isinayaw din ni Boyet si Lotlot at may konting kirot at lungkot na nadama ang mga nakakita sa eksenang ‘yun.
Ang daming umiyak sa speech ni Boyet patungkol kay Lotlot at nag-throwback ang aktor mula noong maliit pa si Balot na pinapapak daw niya, kinakarga at naglalaro sila hanggang sa lumaki ang aktres.
Umiyak si Lotlot sa pagpapasalamat ni Boyet dahil hindi nito pinabayaan ang mga kapatid at inako ang role ng pagiging ate. Hindi nito pinabayaan ang mga kapatid hanggang nagkaasawa at nagkaanak at hanggang ngayon, inaalagaan pa rin ang mga kapatid.
Umiyak din si Lotlot sa speech ni Janine Gutierrez at ng iba pang anak at pareho ang tinumbok ng mensahe nila na masaya sila na makitang masaya ang kanilang ina.
Halos kumpleto ang pamilya ni Lotlot dahil dumating from the States ang biological siblings niya. Ang wala lang sa kanyang kasal ay ang biological dad at si Nora Aunor.
Kahapon, Dec. 18, lumipad patungong Los Angeles, California sina Lotlot at mga kapatid.
Kasama naman ang amang si Ramon Christopher, sa Los Angeles magpa-Pasko ang magkakapatid with Rayver Cruz.





Comments