top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Buking sa buong mundo dahil kay Catriona… MAYOR ERAP, KINALAMPAG NG MGA PINOY SA SOBRANG KAHIRAPAN S

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 19, 2018
1 min read

MAY Catriona Gray fever pa rin ang mga Pinoy at trending pa rin hang­gang kahapon sa social media ang pagkapanalo ng ating pambato sa Miss Universe 2018 na ginanap sa Bangkok, Thailand nu’ng Lunes (December 17).

Samu’t sari ang papuri, pagbati at komento ng mga netizens sa pagkapanalo ni Catriona.

Ang mga taga-Tondo, masayang-masaya at todo-pasalamat daw sa pagbanggit sa kanila ni Catriona sa sagot nito sa Q&A. Dahil du’n, nakilala at naitatak daw ang Tondo sa buong mundo.

Pero kaakibat nito ang pagpuna ng ilan na oo nga raw at natatak ang Tondo sa ‘universe’ pero ang kahirapan naman daw ang imaheng naiwan sa isip ng lahat.

Kaya naman, ilang netizens ang nangangalampag kay Manila Mayor Erap Estrada na sana raw ay mabago nito ang imahe ng Tondo at hindi lang makilala sa kahirapan.

Well, abangan natin kung ano ang magiging reaksiyon ni Mayor Erap sa hirit na ‘yan ng mga netizens.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page