Bebot tinodas sa palengke
Pabs Hernandez III
Dec 19, 2018
1 min read
LA UNION—Isang 32-anyos na dalaga ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa palengke sa bayan ng Bangar sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Lea Monis, nakatira sa Bgy. Cadapli sa naturang bayan.
Nabatid na habang nasa Bangar Public Market si Monis ay biglang sumulpot ang suspek at agad itong binaril hanggang sa mapatay.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments