VALDEZ AT RAVENA, NAMAYANI SA CELEBRITY MATCH NG BVR TOUR


NAKAMIT ng beteranong tambalan ng Banko-Perlas 1 nina Dzi Gervacio at Bea Tan ang kampeonato makaraang iposte ang 21-8, 21-18 panalo kontra National University-Boysen pair nina Roma Doromal at Kly Orillaneda sa women’s finals ng Beach Volleyball Republic On Tour December Open 2018: A Christmas Rally noong nakaraang Linggo sa Sands SM By The Bay sa MOA grounds sa Pasay City. Inangkin ng Air Force ang titulo sa men’s division matapos mamayani nina Ranran Abdilla at Jessie Lopez laban sa Cignal duo nina Fauzi Ismail at Edmar Bonono, 21-17, 21-18.
Umeksena naman ang mga tinaguriang “phenoms” na sina
nang magwagi sila laban kina Charo Soriano at John Vic de Guzman, 23-21, sa idinaos na celebrity match para sa benepisyaryong Mindanao State University-Marawi College of Sports, Physical Education and Recreation Academy.
Panalo rin ang Team Idol na kinabibilangan nina PHL beach volleyball legends Rhovyl Verayo, Jasper Jimenez, Jun Gallo at guest player Mike Shavrak kontra sa Team Lodi na binubuo nina Ravena, De Guzman, Sue Roces at Philip Bagalay, 21-17, sa isa pang exhibition match. Walang talo sa unang limang laro, tinapos nina Gervacio at Tan ang Cinderella run nina Doromal at Orillaneda na kinailangan pang dumaan sa dalawang do-or-die matches bago umabot ng Finals.
Namayani ang University of Santo Tomas-Maynilad tandem nina Babylove Barbon at Gen Eslapor kontra sa Creamline pair nina Fille Cayetano at Kyla Atienza, 17-21, 21-12, 15-8, para sa 3rd place sa women’s division. Nagtapos na pangatlo sa men’s division ang Tiger Winx tandem nina KR Guzman at Krung Arbasto matapos talunin ang UST-Maynilad pair nina Rancel Varga at Efraim Dimaculangan, 21-14, 21-12,21-17, 19-21, 15-11. (VA)





Comments