Tumatawid, sapol sa van
- Pabs Hernandez III
- Dec 18, 2018
- 1 min read
BATANGAS CITY — Isang lalaki ang namatay nang mabangga ng van kamakalawa sa Bgy. Balagtas.
Kinilala ang biktima na si Juny Reyes, residente ng Baken, Masbate.
Nabatid na tumatawid umano sa kalsada si Reyes nang mabangga ng van na minamaneho ni Genesis Urot, nakatira sa Bgy. Parada, Valenzuela City.
Agad dinala ng mga saksi si Reyes sa ospital pero, idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in homicide si Urot.





Comments