top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Lalo na at nagkalat ngayon ang mga kawatan, lodi! MGA PARAAN UPANG MAKAIWAS SA DISGRASYA NGAYONG KAP

  • Donna Thea Topacio
  • Dec 18, 2018
  • 2 min read

WALANG masama kung bongga tayong mag­lagay ng dekorasyon, mag­handa at magregalo nga­yong Pasko, pero make sure na mag-iingat din tayo. Kaya para sa mga lodi nating na-car­ried-away sa kapaskuhan, ala­min natin ang ilang mga paalala upang masi­guro ang seguridad nga­yong Holiday Season:

1. STAY IN THE KIT­CHEN WHEN SOME­THING IS COOKING. Malamang na ilang pagkain ang iluluto natin, pero para sa kababaihan diyan na mahilig mag-multitasking, hinay-hinay lang, mainam kung habang may niluluto, eh, ‘yun muna ang gawin natin dahil kung nagluluto tayo, pero hindi naman natin ito tinututukan baka ito pa ang maging dahilan ng mga aksi­denteng may posibili­dad na mangyari tulad ng sunog at marami pang iba.

2. CHECK DECO­RATIONS. Napakaganda sa mga mata ng Christmas de­corations lalo na ang Christ­­mas lights na iba-iba ang kulay, but wait, make sure na ayos ang mga saksakan at maganda ang nabiling Christ­mas lights dahil kapag ‘yan ay napabayaan, for sure, su­nog din ang dulot n’yan. Tsk!

3. BE LOWKEY. Kung mamimili ng regalo, huwag na tayong magpabongga ng suot at dala-dala, ‘ika nga, pera lang sapat na. Kung magdadala naman ng pera, make sure na secured ito lalo na ngayong nagkalat ang mga kawatan sa mga pami­lihan at baka tayo ay masa­lisihan. ‘Yung regalo na sana, naging bato pa. ‘Yun lang!

4. LISTEN. Matutong makinig sa mga payo ng iba, hindi porke mas matanda o marami na tayong karanasan tungkol sa pagiging ligtas ngayong kapaskuhan, eh, hindi na tayo open sa mga suggestion ng iba lalo na ng mga ka­sama natin sa bahay.

5. BE OB­SER­VANT. Mainam na ma­ging mapag­mat­yag tayo sa bahay dahil ang aksidente, eh, walang pini­piling oras at lugar ‘yan. Hindi natin alam ang mga puwedeng mang­yari, pero ma­aari natin itong ma­agapan kung magiging ob­servant tayo.

6. FOCUS. Baka na­man tutulug-tulog ka nga­yong Pasko, naku, hindi pu­wede ‘yan dahil kapag tuliro tayo o hindi nakapokus sa mga ginagawa natin, mala­mang na mabudol o maisa­han tayo ng mga taong wa­lang magawa kundi manlo­ko at manlamang.

7. PLAN. Sa pagpa­pla­no, hindi naman kailangang bumili pa tayo ng planner, joke! Pero, mainam kung mag­paplano tayo nang sa gayun ay may sinusunod na rules ang mga kasama natin sa bahay at kung sino ang nakatokang magpatay ng ilaw, mag-lock ng pintuan atbp.

8. ASK HELP. Kung pakiramdam mo, eh, na­nga­nga­nib na ang buhay ninyo, don’t hesitate na humingi ng tulong sa mga taong pinagkaka­tiwalaan n’yo. ‘Ika nga, mas na­so­solusyunan ang problema kung magtutulu­ngan ang la­hat.

Oh, ayan, huwag na ka­yong matakot sa seguridad n’yo, mga lodi! Just follow these tips at paniguradong secured kayo ngayong ka­paskuhan. Hi-hi-hi!

Okie?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page