top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

INDIAN GM’S NAMUMURO NA WGM FRAYNA, NASA TOP 10

  • Eddie M. Paez Jr.
  • Dec 18, 2018
  • 2 min read

DIKIT pa rin ang hatawan ng mga kalalakihan para sa kampeonato samantalang nanatiling nakadistansiya na ang isang Indian chesser sa women’s division may dalawang rounds na lang ang natitira sa ginaganap na 2018 Asian Continental Chess Championships sa Tiara Hotel ng Makati.

Kapwa nakapagposte sa round 7 ng panalo sina GM Surya Shekhar Ganguly ng India (kontra kay topseed at Chinese GM Hao Wang) at Iranian GM Mohammad Amin Tabatabaei (laban kay GM S.P. Sethuraman ng India) para iangat ang produksyon nila sa 5.5 puntos.

Pero ang pangalawang pulutong na binubuo ng anim na katao ang nakabuntot sa kanila at kasalukuyang kalahating puntos lang ang mga ito sa likuran nina Ganguly at Tabatabaei. Ang mga 5.0 pointers ay sina GM Yi Wei (China), GM S.P. Sethuraman (India), GM Nodirbek Abdusattorov (Uzbe­kistan), GM Son Truong Ngo Nguyen (Vietnam), GM Parham Maghsoodloo (Iran) at GM Quang Liem Le (Vietnam).

Nasa pang-18 place lang ang mga best-placed Pinoy na sina GM John Paul Gomez at IM Ricardo De Guzman sa rekord na 4.0 puntos. Sa kabilang dako, lalo pang napalapit sa korona ng kababaihan ang Indian gem na si IM Padmini Rout, pangwalo sa seedlings (FIDE rating: 2345), matapos makaipon ng kabuuang anim na puntos.

Nasa segunda sina IM Le Thao Nguyen Pham ng Vietnam, Chinese WGM June Wang at ang kalahok mula sa Singapore na si WGM Quianyun Gong dahil sa rekord nilang 5 puntos.

Pumasok na sa eksena si WGM Janelle Mae Frayna ng Pilipinas at ngayon ay nasa pang 12 baytang siya sa nakolekta niyang 4 na puntos. Malabo na ang kanyang tsansa sa korona dahil dalawang puntos na ang layo sa kanya ni Rout pero may pag-asa pa ang Pinay sa top 10.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page