Gustong tulungan ang lola na nagpapaaral sa kanya
- ROMA AMOR
- Dec 18, 2018
- 1 min read

Dear Roma,
Ako si Janella, 17 years old. Sa ngayon ay wala na akong komunikasyon sa mama ko habang ang papa ko naman ay may ibang pamilya na, kaya lola ko ang nag-aalaga sa akin. Si lola ang sumasagot sa mga gastusin ko sa school sa pamamagitan ng maliit niyang negosyo. Sa totoo lang, Roma, naaawa na ako sa kanya dahil alam kong hirap na siyang magtrabaho, pero ginagawa pa rin niya ang lahat para lang maibigay niya ang mga pangangailangan ko. Ano ang dapat kong gawin para matulungan ko siya? Salamat! — Janella
Janella,
Naku, iha, mahirap nga ang sitwasyon ninyo gayung nag-aaral ka pa at hirap na magtrabaho ang iyong lola. Ang maipapayo namin sa’yo ay subukan mong magtrabaho kahit part-time job lang sa fastfood chain o kaya bilang tindera o taga-bantay ng shop ng kahit na anong negosyo nang sa gayun ay mayroon kang kitain kahit pa maliit na halaga. Puwede ka rin namang tumulong sa negosyo ng lola mo kung wala ka nang gagawin pagkauwi mo galing sa school. Hangad namin na makatapos ka ng pag-aaral sa kabila ng iyong mga pinagdaraanan. Good luck at God bless!





Comments