top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Sey ng experts... MGA TAONG NANINIWALA KAY SANTA, TUMATAAS ANG IQ!

  • Donna Thea Topacio
  • Dec 17, 2018
  • 2 min read

NANINIWALA ka ba kay Santa Claus? Good ‘yan, dahil alam ba ninyong ang paniniwala sa kanya ay may magandang epekto sa pag-iisip ng tao? Woah!

Ayon sa developmental psychology researchers, ang paniniwala na mayroong totoong Santa Claus ay may naidudulot na maganda sa ating cognitive at emotional development kung saan mas nae-enhance nito ang ating reasoning skills at ito rin ang dahilan kung bakit tumataas ang ating Intelligence Quotient o IQ.

Dagdag pa rito, bukod sa lumalawak ang ating ima­hinasyon, mas nakikitaan ng mahabang pasensiya at paninindigan ang taong naniniwala kay Santa Claus.

Siguro ‘yung mga ex natin, hindi naniniwala kay Santa Claus, kaya wala silang paninindigan, ehem!

Kaya sa panahon ngayon, kahit na halos kinain na tayo ng sistema ng teknolohiya, partikular na ng gad­gets at social media, mainam pa rin umano kung hin­di nawawala ang superstitious beliefs na kinalakihan na natin, gayundin ang mga tradisyon tuwing kapasku­han — ang pangangaroling, pamamasko at pagbibi­gayan. Gayunman, nakatutulong ang paniniwalang ito upang mas mag-enjoy tayo at pahalagahan natin ang mga mahal natin sa buhay.

Samantala, para sa mga dumaranas ng mental health disorder diyan, alam naming mahirap ang inyong pinagdaraanan at kahit kailan hindi ito madaling la­banan, pero nais naming malaman ninyo na malaki ang epekto ng pagbibigayan ng regalo upang mas maram­daman natin ang kahalagahan natin sa ibang tao.

Kaya kahit may pera o wala, ugaliin nating mag­bigayan, hindi naman mahalaga kung mamahalin o mura lang, ang mas importante, eh, ‘yung nakatanggap ta­yo ngayong Pasko.

Gayundin, palagi nating tatandaan na hindi lang dapat si Santa Claus ang inaabangan natin tuwing Pasko kundi ipagdiwang natin ang pagsilang ni Hesu- Kristo.

Kaya kahit matanda na tayo, oks lang kung ma­niniwala tayo sa mga kuru-kuro ng ibang tao hinggil sa buhay at pagkatao ni Santa Claus dahil ‘ika nga nila, wala namang mawawala kung maniniwala tayo.

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page