Pinaamin, ayaw daw makasakit… SAM, NATAMEME KUNG SINO KINA TONI AT ALEX ANG MAS MAGALING HUMALIK


SA presscon ng Mary, Marry Me ay natanong si Sam Milby kung paano niya iko-compare ang mga leading ladies niya na sina Toni and Alex Gonzaga, at ayon sa aktor, magkapareho naman halos sa maraming bagay ang magkapatid, pero magkaiba rin.
“They’re actually a lot alike, but they’re very different. Si Alex is like times 10 version of Toni, maybe. Si Toni is more the subtle, but silang dalawa, they’re so intelligent, they have so much confidence, but Alex is the very energetic, extreme version,” paliwanag ni Sam.
Bigla namang sumingit si Alex and asked, “Who’s the good kisser?” na ikinaloka ng kanyang ate.
“Ikaw ba ang press? Ba’t ka nagdadagdag ng question?” paninita ni Toni sa nakababatang kapatid.
Hindi siyempre nasagot ni Sam ang tanong at sabi nga ni Toni, talagang hindi raw ito sasagutin ng aktor dahil very gentleman daw ito.
Ang direktor namang si RC delos Reyes ay nalagay din sa hot seat nang tanungin kung sino ang mas magaling umarte sa magkapatid.
“Naku, ang hirap,” sambit ng direktor, “parang pareho sila. I think, masasabi ko, si Alex dito, may nakita akong bago, na with the help of Toni, motivating her, I think, she’s a good actress here.”
Ayon naman kay Toni, talagang ibinigay niya kay Alex ang pelikulang ito.
“Kasi, marami na kayong pelikulang napanood sa akin na parang ibinigay ko na lahat. Ito, parang ibinigay ko kay Alex,” she said.
Cute rin daw tingnan sina Alex at Sam at may chemistry din.
“‘Yung chemistry na nabuo nila, it’s so different, kasi kamukha ko naman si Alex, so parang ‘yung dating ako pero mas malaswa lang. Parang Toni noon na lumaswa lang, so cute silang dalawa ni Sam,” ani Toni.
Ang Mary, Marry Me ay isang love triangle story na nagkagusto ang magkapatid sa isang lalaki. Showing na ito sa Dec. 25 as one of the official entries sa 44th Metro Manila Film Festival.





Comments