top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Para dehins ka ma-late, besh! TIPS PARA MAKAIWAS SA MATINDING TRAPIK

No Problem
Dec 17, 2018
1 min read

NAKAKUNOT ang noo dahil sa trapik at init? Naku, perhuwisyo talaga ‘yan, kaya narito ang ilang mga paraan upang makaiwas tayo sa ma­tinding trapik sa daan:

1. CHANGE YOUR ROUTINE. Dahil truck holi­day ngayon, tiyak na inaabutan ka na ng trapik kahit anong oras, kaya mainam kung tayo na mismo ang mag-a-adjust nang sa gayun ay hin­di tayo ma-late sa eskuwela o opisina, iwas-kaltas pa! Hi-hi-hi!

2. ADVANCE YOUR CLOCK. Ito ang sikreto ng mga tao na kung tawagin ay “most punctual”. Sa ganitong paraan hindi ka lang ad­vanced mag-isip kundi advanced ka ring kumilos. Lalo na sa kababa­ihang nagme-make-up pa bago umalis kasi kilay is life. He-he-he!

3. WALK IF NECESSA­RY. Kung matindi ang trapik, pero malapit ka na rin sa iyong ba­babaan, don’t hesitate na mag­lakad kung alam mong mas mauuna ka pang maglakad kaysa umandar ang sinasakyan mong jeep o bus. Exercise rin ‘yun, mga lodi!

4. DON’T BE AFRAID TO ASK. Minsan, na­le-late tayo dahil wala tayong masak­yan, kaya mainam na magta­nung-tanong dahil baka hindi natin alam na kaya pala walang pampasa­herong sasak­yan, eh, dahil nag­welga sila. Ha-ha-ha!

5. FOCUS. Huwag kang tutulug-tulog dahil baka sa sobrang antok mo, eh, lumagpas ka pa at ito pa ang maging da­hilan kung bakit ka na-late sa eskuwela at opisina. Tsk! Pero, ‘ika nga nila, ‘di bale nang lu­magpas sa pupuntahan, ‘wag lang madukutan. ‘Yun lang!

Oh, ayan, mga lodi, dehins n’yo na need mag-worry. Sundin na ninyo ang tips na ito at huwag nating hayaang ang maging forever natin ay ang trapik! Gets mo?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page