Pangontra sa diabetes, mataas sa nutrients, anti-aging atbp… IBA’T IBANG BENEPISYONG HATID NG DRAGO


MALAPIT nang dumating ang pinakahihintay nating holiday ng taon! Kabi-kabila ang pamimigay ng hamon at keso de bola, isama na rin ang mga regalo na siguradong pinaghirapan ng inyong mga mahal sa buhay. Pero siyempre, bukod sa mga regalo, may mga handa tayo sa noche buena at media noche, kaya lagot na naman ang cholesterol at sugar natin n’yan!
Pero, don’t worry, mga beshy, dahil may prutas na tinaguriang super food dahil sa dami ng health benefits na makukuha natin mula rito. Ito ang dragon fruit o mas kilala bilang pitanaya o strawberry pear. Anu-ano nga ba ang makukuha natin sa prutas na ito?
1. PANGONTRA SA DIABETES. Ito ay dahil ang dragon fruit ay may fiber na makatutulong sa pagbabalanse ng blood sugar sa ating katawan. Wow!
2. ANTI-AGING. Hindi na natin kailangan pang bumili ng kung anu-anong pamahid sa mukha, beshy, para lang magmukhang bata. Kumain lang tayo ng dragon fruit dahil mayroon itong antioxidants na nagpapanatili sa maayos at makinis nating balat.
3. MATAAS SA NUTRIENTS. Ang dragon fruit ay napakayaman sa vitamins at minerals at mababa sa calories, kaya super bagay ito sa mga taong nagbabawas ng timbang at gusto ng healthy living.
4. NAKAPAGPAPATIBAY NG PUSO. Ito ay dahil ang dragon fruit ay may monounsaturated fats na nakapagpapababa ng bad cholesterol.
5. PAMPALAKAS NG IMMUNE SYSTEM. Ito ay mayaman sa Vitamin C at carotenoids na nakatutulong upang maproteksiyunan ang ating katawan laban sa iba’t ibang sakit.
Kaya para hindi mag-sacrifice ang ating blood pressure at blood sugar ngayong Holiday Season, kumain tayo ng dragon fruit nang sa gayun ay makasigurado tayo na magiging maligaya ang ating Pasko at manigo ang ating Bagong Taon! Hi-hi-hi!
♥♥♥
Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments