Nakipaglandian, misis 'di pala kayang ipagpalit… HIRIT NG MADLANG PIPOL: CALVIN, GINAMIT AT PIN
- BULGAR

- Dec 17, 2018
- 2 min read

MARAMING fans ni Vice Ganda ang nahe-hurt ngayon at nag-aalala kung ano kaya ang estado ng puso ng It’s Showtime host-Unkabogable Star matapos ipagsigawan ng ‘close friend’ niyang si Calvin Abueva sa Instagram na kasal pa rin ito sa misis kaya hanggang friends lang talaga sila ng komedyante?
Nagsimula ito nang mag-post si Calvin sa IG account niya ng picture nila ng kanyang misis.
And since nali-link nga siya ngayon kay Vice dahil sa extra closeness nila, may ilang netizens ang nang-bash sa Phoenix player at inakusahan agad itong ‘user’ at ginamit lang si Vice para pag-usapan siya at umingay ang pangalan sa basketball.
Hindi na siguro kinaya ni Calvin ang pamba-bash ng mga netizens kaya bigla itong nagpalit ng setting sa IG at nag-private account na.
Pero may isang netizen ang nakapag-screenshot ng usapan ni Calvin at ng ilang IG followers niya at ipinost ito sa social media.
Makikita sa screenshot ang IG post ni Calvin ng kanyang asawa at 4 na anak na puro lalaki na may caption na: “Isa na lang kulang, complete na buhay nang family ko.”
May mga nag-comment sa post ni Calvin na ipinu-push na muling mabuo ang pamilya nila para sa mga bata.
Maging si Vice Ganda ay nag-comment sa post ng: “Kayo po ba ang kulang? @calvin.abueva.9465”
Bagama’t may mga nag-cheer up kay Vice at sinabihan itong “laban lang”, diretsahan ang naging comment ni Calvin na, “Alam n’yo guys and girls, magkaibigan kame ni Vice pero ang pamilya hindi pwedeng mawala kasi kasal kami tandaan n’yo ‘yan.”
Kasunod nito, ipinagtanggol ng basketbolista ang misis niya sa kumalat na isyung nagloko ito kaya sila naghiwalay.
Sagot ni Calvin sa isang netizen, “@april_mpu alam mo Di naman ngloko si misis sa sobra lang galit ko kaya ko nasabi un tao lang poh ako at ung asawa ko pero sakin sobra ko mahal yan gusto ko mabuo kame bago mag pasko.”
Ilang netizens ang natuwa at na-proud kay Calvin dahil mas pinili pa rin daw nitong mabuo ang kanyang pamilya. Pero ang mga fans ni Vice, sobrang na-hurt at inakusahan ang basketbolista na “user” at “paasa” dahil pagkatapos daw nitong makipaglandian kay Vice, babalik din pala sa misis. So, paano na raw ngayon ang Unkabogable Star?
Comment ng isang netizen sa post, naka-unfollow na raw si Vice kay Calvin.
Awww! So, is it the end of their friendship na rin kaya?
Malungkot na naman si Vice sa Pasko, ganern?!





Comments