Agaw-eksena, napansin ng international model… CATRIONA, PINURI NI TYRA BANKS
- BULGAR

- Dec 17, 2018
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

KAPANSIN-PANSIN talaga ang galing na ipinamamalas ng pambato ng ‘Pinas sa Miss Universe na si Catriona Gray. ‘Di lang kasi mga kapwa ‘Pinoy ang sumusuporta sa kanya, kundi pati na rin ang ibang nationality.
Nang dahil sa kanyang agaw-eksenang slow-mo twirl walk ay napansin na rin siya ng sikat na Hollywood model na si Tyra Banks. Nag-tweet ang modelo at sinabing, “I mean…Pinoy Power to the Max!!!” na ibinahagi naman kaagad ni Catriona sa kanyang Instagram account at nilagyan ng caption na: “OMG”.
Ngayong Lunes na nga natin malalaman kung sino ang kokoronahan bilang Miss Universe 2018. Kung papalaring maiuwi ito ni Catriona, pang-apat na korona na ito para sa Pilipinas at mukhang malaki ang tsansa na mabingwit ulit natin ‘to dahil sa galing na ipinapamalas ng ating pambato.





Comments